Monday, January 23, 2012

Mapanglaw na Liwanag

Naglakbay ang duwag na isip sa dako paroon
Katatagan ng kalooban ay muling hinamon
Sapat nga bang kukunin lang sa atin ng panahon
Ang diwang malalim, diwang mas nais na tumugon.

Kagyat ating makita ang hatid ng kalikasan
Isip natuliro sa mga bagay na natuklasan
tulad ng problema na hindi maglaho sa daan
Hungkag nating damdamin ay laging nararanasan.

Sagwan ng bangka ay kay hirap nating ipahinto
Alon sa dagat ay kailanman 'di sasanto.
'Sang bagay lamang ang siyang sasagisag
Damhin ang kainitan ng mapanglaw na liwanag.

No comments:

Post a Comment