Isa, dalawa, tatlo ako ay nakatawa pa
Sadyang kay ilap ng liwanag sa 'king mga mata
Daplis ng likido na nagmula sa sustansiya mo
Sapat ng supilin and dilim, karimlan; nagbago.
Kaligayahan ko ay panandaliang naglaho
Batid kong may namumuo sa walang muwang na puso
Tanda ng lagim nabatid kapalit ng pagsuyo
Ugat ay siyang kalungkutan at ang kahihiyan mo.
Tuldok ng 'sang bagong liwanag ay minsan nagningning
Silakbo ng samang damdamin ay iyong inangkin
Ako'y naglaho na parang bula, ako'y patayin
Ako'y isa lamang buhay, buhay na hindi naging....
No comments:
Post a Comment